IN GOD WE TRUST
WORKAHOLIC PATO!
PATOTOO ng korner na ito tungkol kay Chairman PATO Ang Philippine Sports Commission ay pinamumunuan ngayon ng isang workaholic na leader.
SPORTS
DANNY SIMON
1/22/20262 min read


PATOTOO ng korner na ito tungkol kay Chairman PATO.
Ang Philippine Sports Commission ay pinamumunuan ngayon ng isang workaholic na leader.
Ang taas ng kanyang enerhiya,adrenaline, political will at determinasyon sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang lingkod bayan sa aspeto ng palakasan.
Ang sipag at pasiklab ni PSC chairman Patrick ‘ Pato' Gregorio ay di isang ningas -cogon lamang patunay ito magmula nang nombrahan siya ni Presidente Bongbong Marcos ay lalo siyang pakitang- gilas ngayon partikular sa infra projects kung saan ay to the max na ang pagbabagong mukha ng old iskul na Rizal Memorial Sports Complex na kinatitirikan ng PSC Admin. bldg sa Vito Cruz, Malate sa Maynila,
Gayundin ang mga binagong pasilidad sa Philsports , Pasig City at Baguio City.
Ngayon lang sobrang naging abala ang mga kawani at kontratista sa ahensya dahil sa tutok 24- oras na trabaho na pabor sa mga trabahador bahil nadagdagan ang kanilang take- home.
Kahapon ay iprinisenta ni Chairman ang mga nagawa at ginagawa pang sports venues tulad ng modernong tennis center na pagdarausan ng WTA tourney next week, Rizal Coliseum, Baseball field na may mural painting pa na sinlaki ng 2 palapag na gusali sa may likuran ng scoreboard , ang bagong hilamos na athletes lounge at canteen at op kors ang regalo sa sports media ni Pato na state -of -the -art press center na nagkaroon pa ng simbolikong ribbon cutting.
. Wika ni Pato, pasakalye pa lang iyon.More to come pati sa hosting ng malalaking world at international events pati paglahok ng Pilipinas sa ibayong dagat at tampok ang dagdag incentives sa mga bayani ng bayan. Dapat aniya kung gusto nating manalo ang Pinoy athletes ay tunay na masaya sila sa buhay.
Iyan si Chairman! Hindi dapat tinitipid ang pondo para sa sports.
Di tulad noon, mas gusto nilang nagsosoli sa treasury kesa all- out sa atleta.
Iba si Pato, patok ang pagiging WORKAHOLIC!. More to come tungkol kay Chairman..
Chairman Pato Gregorio sa harap ng sports media.(Menchie Salazar)


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
