WORKAHOLIC PSC CHAIRMAN PATO
SA maikling panahon pa lang ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng government sports agency na Philippine Sports Commission ay napulsuhan na ni Chairman Pato Gregorio ang tunay na kalagayan o estado ng ahensiya partikular din ang kanyang paglibot sa mga sports venues , training centers at quarters ng mga atleta ng bansa una sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kasunod ang PhilSports sa Pasig City at sa Baguio City.
SPORTS
Danny Simon
7/14/20252 min read


SA maikling panahon pa lang ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng government sports agency na Philippine Sports Commission ay napulsuhan na ni Chairman Pato Gregorio ang tunay na kalagayan o estado ng ahensiya partikular din ang kanyang paglibot sa mga sports venues , training centers at quarters ng mga atleta ng bansa una sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kasunod ang PhilSports sa Pasig City at sa Baguio City.
Nakita kaagad ng corporate management expert/ sportsman ( boxing, basketball, rowing at Philippine Olympic Committee high official)na si Gregorio ang malaking atraso sa imprastraktura na malayo sa pagiging state -of- the -art lalo sa Baguio na bakas pa ang Project Gintong Alay na ilang dekada na ang hitsura.
Of course ay malaking epekto ito sa ensayo ng ating mga pambansang atleta kumpara sa modernong pasilidad ng ibang bansa pati iyong mga nasyon na kelan lang natuto at napokus sa larangan ng sports ay mas angat na sa Pilipinas.
Sa lalong madaling panahon ay imo-modernize na ng 13th PSC chairman ang infra ng Philippine sports.
Inatasan din ni Gregorio ang mga kawani ng PSC lalo iyong mga may direktang ugnayan sa atleta at NSA na kailangan laging bukas ang kanilang tanggapan o atensiyon nang 24/7 sa pag-attend sa mga pangangailangan mula papeles,biyahe, kagamitan at pondo ng mga sasabak sa international competitions para sa karangalan ng bansa.
“The PSC will not close it’s doors on athletes in need,” wika ni Gregorio sabay anunsiyo na lahat ng training uniforms at proper food assistance ay ipa-prayoridad na .
Nais niyang ang ating pambansang atleta ay walang ibang iniisip tulad ng lagay na kanilang pamilya dahil mismong ang PSC at POC ang aasikaso sa pangangailanangan ng mga magulang,asawa at kapatid para pokus lang ang atleta sa training at misyong tagumpay para sa bansa.
Nitong nakaraang sports general assembly sa Ninoy Aquino Stadium ay umuwing naka-ear to- ear smile ang ating mga atleta at coaches dahil inanunsiyo ni Pato ang P5,000 increase of national athletes’ allowances accross the board to take effect in August.
Pasakalye pa lang ni workaholic chair Pato iyan, more to come..ABANGAN!
Lowcut- Madali lang maimplement ni chairman Pato ang kanyang comprehensive program dahil katuwang niya si Atty.Guillermo Iroy na saulado ang likaw ng good governance na dapat ay matagal nang naipatupad sa pamamagitan ng political will,dedication at patriotism. Greetings to SG Vhergel Divina ng McDo Libertad at Special Shoutout kay JM Cua ng Senator Bong Go's Office na bahagi ng matagumpay na Malasakit Program para sa Pilipino kaya nga topnotcher si SBG sa sambayanan. Go JMC GO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato