IN GOD WE TRUST
WOW'WAWIT NAMAN!
TULAD ng inaasahan, libu- libong running enthusiasts from all walks of life ang umarangkada pagputok ng starting gun bilang hudyat ng PSC Walk, Run & Roll na rumagasa sa konkretong kalsadang ruta sa loob ng UP campus sa Diliman, QC na kumaripas ng 10km,5km,3km at special na 1km run.
SPORTS
DANNY SIMON
7/27/20262 min read


TULAD ng inaasahan, libu- libong running enthusiasts from all walks of life ang umarangkada pagputok ng starting gun bilang hudyat ng PSC Walk, Run & Roll na rumagasa sa konkretong kalsadang ruta sa loob ng UP campus sa Diliman, QC na kumaripas ng 10km,5km,3km at special na 1km run.
Isang kilometrong kagalakan ng mga especial na hanay ng mga may kapansanan na napasaya sa kaganapang iyon nang mapatunayang kaya pala nilang lumahok sa ganoong uri ng sporting event.
Tumanggap ng nakakaengganyong premyo bawat namayagpag sa kanilang dibisyon habang ang mga nakatapos ng karera ay isa nang achievement nilang pang- personal bukod sa mga natanggap nilang finisher shirts at iba pang freebies.
" Para sa kanila( disabled sector) ang espesyal na kaganapang ito kaya napakalaking bagay nabigyan sila ng ganitong atensyon na kasama sila sa kaganapang ito na sports for all at kudos sa libu-libong run enthusiasts partikular sa mga nasa hanay nating lingkod bayan at kawani ng pamahalaan, mabuhay!, wika ni Comm.Walter Francis 'Wawit' K.Torres- Commissioner - in - charge ng PSC Walk, Run & Roll.
Dumalo at tumakbo rin at nagbigay ng inspirational na mensahe ang birthday celebrant na si Philippine Sports Commission Chairman Patrick ' Pato Gregorio. Ang masasabi ng korner na ito sa tagumpay ng kaganapan..Wow' wow'it..
ROCK&ROLL!
*****
SONA ALL!
BAWAT taon ay nag- uulat ang Pangulo ng bansa kung ano ang naging estado ng Pilipinas sa nagdaang 12 buwan ng kanyang pamamahala sa bansa.
Noong nakaraang taong State - of -the - Nation Address ay tumimo sa sambayanan ang mga katagang ' Mahiya Naman Kayo!, habang nakatingin sa mga Kongresistang kahit ano lang ang sinasabi ni PBBM ay pumapalakpak sila na binibilang at inuulat naman ng tri- media bawat sigabo at pambilog- ulo.
Matapos ang isang taon ng pagkabisto ng dambuhalang iskandalo sa
ghost projects at flood control, walang napanagot at nakulong sa mga buwaya at timawang nagkamal ng salapi mula sa baul ng bayan ni Juan.Sa halip ay lalo silang nabundat sa nakaw na pondong dapat sana ay
para sa mamamayang Pilipino.
Ngayong araw , ano ang iuulat ng Pangulo? Sana ay ituon ang report nya para sa ikakaahon ng lahat ng Pilipino di nang iilan lamang ..SONA ALL!!..Abangan!


Tampok na kaganapan ng PSC Walk, Run&Roll sa UP Diliman campus ang Ikm run ng mga person with disabilities. Sinamahan sila sa starting line nina PSC Chairman Pato Gregorio, Comm. Wawit Torres at mascots Oyo at Aya. (Kuha ni Abby Pamplona)


Walk, Run& Roll sa UP Diliman campus over the weekend.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
