WPF HUMANITARIAN AMBASSADOR AWARD KAY CLR 45 GOV. AGCAOILI

KINILALA ng prestihiyosong award giving body mula World Philosopical Forum (WPF) ang kadakilaan ng isang Filipino bilang makataong ambag niya sa mamamayan nang walang hangad na kabayaran.

NEWS

Danny Simon

11/20/20232 min read

KINILALA ng prestihiyosong award giving body mula World Philosopical Forum (WPF) ang kadakilaan ng isang Filipino bilang makataong ambag niya sa mamamayan nang walang hangad na kabayaran.

Dahil sa kanyang taos-pusong pagtulong sa mga kapus-palad na kababayan partikular sa kanayunan, di man niya nais na maikalat ang kanyang mabuting kawanggawa ay tunay na deserving siyang papurihan at gawaran ng isang bagay na pagyayamanin na sumisimbolo ng kanyang kadakilaan bilang pilantropo ng bayan.

Bukod sa kanyang legion of followers mula sa mga socio sibikong pinamumunuan dito sa bansa mula sa mga brods sa Guardians particularly Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. - GIBFI at bilang Gobernador sa mga kuyas at mga ate ng CLR 45 sa The Fraternal Order of Eagle - TFOE Philippine Eagle ay naipaparating niya ang kanyang serbisyong makatao lalo na sa mga lugar na di naabot ng mga lider lokal at nasyunal.

Pagkain, medisina, kabuhayan at mga basic na kailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan ang naipaabot na at itutulong pa ng certified pilantropo na si CLR 45 Gov. at GIBFI Chairman Rafael Agcaoili.

Ang kanyang adbokasiyang outreach program ay nagmumula mismo sa kanyang bulsa at di niya kailangan ang donasyon mula sa kung saan. At ang kanyang pagtulong ay di naghahangad ng kapalit na boto dahil hindi naman siya politiko.

Tinanggap ni CLR 45 Gov. Rafael Agcaoili ang Humanitarian Ambassador Award mula WPF.

Kung tutuusin ay di naman niya responsibilidad ito dahil wala naman siyang sinumpaan at hindi rin appointed ninuman kaya puwede na siyang magpasarap - buhay, mahiga sa salapi, kalimutan ang stressful na pamumuhay at magliwaliw sa buong mundo for the rest of his fruitful life.

Pero hindi puwede dahil sa isip at puso niya ay maraming nangangailangan. Mai - share man lang sa kanila ang biyayang kaloob ng DIYOS ang rangya, tagumpay at pedestal na kanyang narating. di niya maaring solohin.

Kaya naman mismong ang WPF ay markado ang kanyang kawanggawa sa kapwa kaya’t mismong ang award -giving top brass ang dumayo sa Pilipinas upang igawad ito kay Gov. Rafael Agcaoili - ang natatanging Pilipino na tatanggap ng prestihiyosong WPF Humanitarian Excellence Award.

Tatlong eleganteng plake (Diploma, Certificate of Global Philantrophy Excellence at Humanitarian Ambassador Award) ang iginawad nina Dr. Igor Kondrashin-WPF President / CEO at Guce Peace Prize International Vice President at Prof. Paris Katsivelos- WPF Responsible for Cultural Development & Intercultural Dialogue sa Gabi ng Parangal na ginanap sa Admiral Hotel sa Maynila nitong nakaraang weekend.

" Maraming salamat dito sa gawad parangal. Di ko naman to inaasahan, ikinagagalak ko din ang kanilang (WPF) pagkilala, para ito sa Sambayanang Pilipino. To God be the Glory!," wika ni Agcaoili.

Si WPF philantrophy excellence awardee CLR 45 Gov. Rafael Agcaoili (ikatlo sa kaliwa) kasama sina CLR 45 VP Edwin Salve (dulong kanan), club presidents Noel Abrigo, Ferdinand Agpoon, Chito Deguit at vice pres. Bonifacio Bargan.