WPF PHILANTROPIST AWARD KAY GOV. AGCAOILI

DAHIL sa kanyang taos-pusong pagtulong sa mga kapus-palad na kababayan partikular sa kanayunan nang walang anumang hangad na kapalit, di man niya nais na maikalat ang kanyang mabuting kawanggawa ay tunay na deserving siyang papurihan at gawaran ng isang bagay na pagyayamanin na sumisimbolo ng kanyang kadakilaan bilang pilantropo ng bayan.

OPINION

Danigilas Simon

10/18/20231 min read

DAHIL sa kanyang taos-pusong pagtulong sa mga kapus-palad na kababayan partikular sa kanayunan nang walang anumang hangad na kapalit, di man niya nais na maikalat ang kanyang mabuting kawanggawa ay tunay na deserving siyang papurihan at gawaran ng isang bagay na pagyayamanin na sumisimbolo ng kanyang kadakilaan bilang pilantropo ng bayan.

Bukod sa kanyang legion of followers mula sa mga socio sibikong pinamumunuan dito sa bansa mula sa mga brods sa Guardians particularly Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. - GIBFI at bilang Gobernador sa mga kuyas at mga ate ng CLR 45 sa The Fraternal Order of Eagle- TFOE Philippine Eagle ay naipaparating niya ang kanyang serbisyong makatao lalo na sa mga lugar na di naabot ng mga lider lokal at nasyunal.

Pagkain, medisina, kabuhayan at mga basic na kailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan ang naipaabot na at itutulong pa ng certified pilantropo na si CLR 45 Gov. at GIBFI Chairman Rafael Agcaoili.

Ang kanyang adbokasiyang outreach program ay nagmumula mismo sa kanyang bulsa at di niya kailangan ang donasyon mula sa kung saan. At ang kanyang pagtulong ay di naghahangad ng kapa­lit na boto dahil hindi naman siya politiko.

Kung tutuusin ay di naman niya responsibilidad ito dahil wala naman siyang sinumpaan at hindi rin appointed ninuman kaya puwede na siyang magpasarap- buhay, mahiga sa salapi, kalimutan ang stressful na pamumuhay at magliwaliw sa buong mundo for the rest of his fruitful life.

Pero hindi puwede dahil sa isip at puso niya ay maraming nangangailangan. Mai-share man lang sa kanila ang biyayang kaloob ng DIYOS ang rangya, tagumpay at pedestal na kanyang narating, di niya ­maaring solohin.

Kaya naman mismong ang World Philantrophical Forum sa United Nations ay markado ang kanyang kawanggawa sa kapwa kaya’t ang mga mismong taga WPF ay dadayo sa Pilipinas upang igawad ito kay Gov. ­Rafael Agcaoili- ang natatanging ­Pilipino na tatanggap ng prestihiyosong gawad internasyunal. Mabuhay ang Pilipino..hurray Gov Agcaoili...ABANGAN!