IN GOD WE TRUST

Young athlete Guthrie Neo Tuazon may mensahe si Sen.Bong Go

May espesyal na espasyo sa puso ni Senator Bong Go sa mga potensyal na kabataang atleta at special athletes.

SPORTS

DAS

5/2/20261 min read

May espesyal na espasyo sa puso ni Senator Bong Go sa mga potensyal na kabataang atleta at special athletes.

Sa nakaraang awarding ceremony para sa mga namayagpag na para athletes ng nakaraang ASEAN Para Games (Bangkok) na idinaos sa Rizal Memorial Coliseum na inorganisa ng Philippine Sports Commission,nagbigay - pugay si Go sa mga bayaning para-athletes na binigyan din ng kaukulang insentibo ng PSC mula naman sa naipasang batas ng Senador na Athletes' Incentive Law .

Kabilang sa mga para athletes na nabiyayaan ng insentibo ng kabayanihan ay mula sa table tennis team sa timon ni coach Gerard Tuazon at 4 pang coaches kung saan sa unang pagkakataon ay humataw ng ginto ang Pinoy pongers sa international na eksena .

Sa naturang okasyon ay napansin din ni SBG ang potential na young table tennis player na si Guthrie Neo Tuazon na nangangarap maging national player sa hinaharap na possible naman matupad dahil anak siya ni coach Tuazon mismo.

Si Guthrie ay lumalahok na sa mga age group competitions ng PTTFI na pinamumunuan ni president Ting Ledesma at sa kanilang palaruang pingpong sa Pasig City.

" These young potential athletes like Guthrie and our special para athletes have special place in my heart .I'm very proud to support them in their endeavor for the country", wika ni Go na siya ring Senate Committee Sports head.(DAS)

SI Senate Sports Committee head Senator Bong Go kasama sa larawan ang batang table tennis player na si Guthrie Neo Tuazon at ang coach ng para table tennis team na si Gerard Tuazon.