YULO MAY CASH REGALO MULA ARENA PLUS AT DIGI PLUS
PATULOY ang pagbuhos ng biyaya para kay Paris Olympics double gold medalist gymnast Carlos Yulo ng Pilipinas.
SPORTS
Danni Simon
8/31/20241 min read


PATULOY ang pagbuhos ng biyaya para kay Paris Olympics double gold medalist gymnast Carlos Yulo ng Pilipinas.
Nakatakdang tumanggap ng taginting na 5,000,000 cash gift mula Digi Plus at Arena Plus ang batang Leveriza na si Yulo ngayong hapon sa Cinema 11 ng Gateway ss Cubao, Quezon City.
Ang kaganapang may temang 'Astig si Caloy ' ay isa lamang sa windfall of incentives at daan- daang milyones na salapi na natanggap ng batang Yulo dahil sa pagbibigay niya ng karangalan sa bansa at tributa na rin ito ng Arena Plus at Digi Plus na pinamumunuan ni Pres. CEO Rafael Jasper Vicencio dahil sa kanyang kagitingan.
Bago ang Paris Olympics 2024 ay 2 Pinoy Olympian ang inendorso ng Arena Plus at Digi Plus isa na rito ang Olympian boxer na si Eumir Marcial at ang nagtagumpay na si Carlos Yulo.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato