YULO POKUS LANG SA KANYANG GINTONG MISYON SA PARIS OLYMPICS
Sa gitna ng mga distraksyong personal at karera, pokus lang ang star ng Philippine gynastics na si Carlos Yulo sa kanyang ginintuang misyon para sa Paris Olympics na sasambulat dalawang buwan mula ngayon.
OPINION
Danny Simon
5/12/20242 min read


Sa gitna ng mga distraksyong personal at karera, pokus lang ang star ng Philippine gynastics na si Carlos Yulo sa kanyang ginintuang misyon para sa Paris Olympics na sasambulat dalawang buwan mula ngayon.
Ang 24-anyos nang world gymnastics champion ay nadi-distract ng mga usaping pampamilya, lovelife at kanyang career management na ang pinakahuli ay ang paghihiwalay niya ng landas sa KG Management, Inc. na ipinorma ng kanyang dating Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.
Ito ay pormal na inanunsiyo ng Gymnastics Association of the Philippines sa statement na pirmado ni GAP president Cynthia Carrion.
" In Japan, coach Mune was hands on, pero nang bumalik kami sa Pilipinas, a Filipino manager took over, doon nagsimula ang mga isyu ng pamamahala,"ani Yulo na nagsabi pang ayaw na niya nang mga ganoong usaping nakakaepekto sa kanyang training.
Si Yulo ang kauna-unahang Southeast Asian gymnast na nagwagi ng world championship, multi-gold medalist sa Southeast Asian Games at ginto sa Asian Artistic Gymnastics.
Kahit na tinapos na ni Yulo ang kanyang relasyon sa KG Management, Inc., pinagyayaman pa rin niya ang kanilang pinagsamahan ni coach Kugimiya na nagresulta ng 2 kampeonato sa floor exercise at vault, gold sa World Cup series, Asian at SEAGames victories.
"Hindi sapat ang salamat lang. Isa siya (coach Mune) sa bumuo ng pagkatao ko at pagtupad ng mga pangarap ko," ani pa Yulo.
Gayunpaman, ang Sambayanang Pilipino ay dalangin na ang tagumpay ni Yulo sa kanyang Olympic bid ay matutupad na sa Paris Olympics 2024.
Lowcut: Ang Dannscape Arts Youtube Channel ng Gilas News ng inyong lingkod ay nasa ikatlong taon na ng anibersaryo. Celebration time mga ka-Gilas!
Special shoutout Filipino Family Club International (FFCI) Worldwide na itinatag ni FLM at sa timon ni global Pres. EO Batalan kudos to ka-FFCI na sina Emz Pascual; Sharon Judan P.orrie Pasicolan, Sameera Aguilar, Ehmz Singson, Wilma Masapol, Salve Balaoro, Sharon Agoncillo, Janice Pascua, Armando Penalosa, Flora Calangi, Nina Fruschio, Rosemarie Lemee, Clarita Dimayuga,Vincent Mc Lean op kors Benedict Hortaleza Batalan, BhonBhon , Sonnie Aguilar especially .
M'dam Chilitita Cabatingan ng Semi Di Speranza Foundation, Cebu City at sa lahat nang ka-FFCI sa buong daigdig. MABUHAY!
Carlos Yulo
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato