IN GOD WE TRUST

ZUBIRI PARA SA LIDER NA MABUTI!

KILALA siya bilang isang matuwid na lingkod- bayan noon hanggang ngayon na kung saan ang nais niya lang na ang kanyang paglilingkod ay para sa kapakanan ng sambayanan.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

ni Danny Simon

2/18/20261 min read

KILALA siya bilang isang matuwid na lingkod- bayan noon hanggang ngayon na kung saan ang nais niya lang na ang kanyang paglilingkod ay para sa kapakanan ng sambayanan.

Ang dating naging Presidente sa Senado ng Pilipinas na si Senator Juan Miiguel Zubiri na ngayon ay Majority Floor Leader ng August Chamber sa ilalim ng SP na di naman abogado ay nakararamdam na ng diskuntento sa kasalukuyang liderato.

Kabilang siya ngayon sa mabuway na majority group na panig sa administrasyon pero ayon sa ating tsokarang insider diyan sa Macapagal ay panahon na para pumanig si Sen. Migz sa matuwid para sa bayan.

Si Senator Migz na isang tunay na statesman, abogado, professional sa estilo ng kanyang ganap para sa Pilipino ay tatahakin ang direksyon patungong liwanag mula sa karimlan kaya kapag sinimulan na niya ang makabayang desisyon na iwan na ang administrasyong naglugmok sa bansa gawa nang malawakang kurapsyon mula sa rank and file ng mga buwaya sa katihan.

Tiyak na magiging domino effect ang kanyang gagawing makabayan sa mga iba pang Senador na lantaran pa ring nakapanig sa kinamumuhian ng mamamayan at sisilay na ang tunay na pag-asang makaahon dahil sa magiting na pagbawi ng suporta sa taong iba ang layunin kundi gutumin ang mga Pinoy na ninakawan ng mga kawatan.

Reaksyon ng bayan sa napipintong desisyon ni Sen.Migz na pumanig na sa kasing- buti niya bilang lingkod-bayan..Zubiri- Good!

Lowcut- Si Sen. Migz ay isa ring taal na sportsman kung saan ay pangulo siya ng national sports association na Philippine Eskrima,Kali, Arnis Federation (PEKAF) na nakapag-ambag na ng maraming beses na karangalan para sa Pilipinas sa kanyang timon. PUGAY KAY SEN. ZUBIRI!